Mariel Pamintuan, ang estudyanteng breadwinner

Masaya ang Kapuso teen aktres na si Mariel Pamintuan na nakapagtapos siya ng high school. Hindi na alam ng marami na ipinagsasabay niya ang pag-aaral at trabaho upang masuportahan ang kanyang pamilya.

“Gusto ko lang maging happy yung family [ko], yung maging kontento kami [at] dumating kami sa point na wala nang iisipin pa, lalo na financially. 'Yun 'yung dream ko. In order to achieve that, kailangan ko mag-strive na magtapos,” saad ng teen aktres.   

Gumaganap si Mariel bilang isang kontrabida sa Once Upon a Kiss at dahil sa taping, may mga araw na hindi siya nakakapasok. Nasorpresa siya nang gawaran siya ng “Celebrity Student Award” ng kanyang eskwelahan.   

“Thankful po ako na-recognize nila 'yun. Kahit ganun, nakakahabol po ako sa mga studies [ko at] hindi ako nahuhuli,” saad ng celebrity-student sa ekslusibong panayam ng GMAnetwork.com sa kanyang graduation sa Antipolo kahapon.   

Sabi ng Once Upon a Kiss aktres sa kanyang impromptu speech, “I realized time is really important, that we have to choose what must be prioritized first. It will make us happy, contented, and without worries. But if we choose to waste our time in something that will not make us excel, we’ll regret it.”   

Dagdag pa niya, “I sincerely thank all of you. I will carry all these memories with me. I just wish that after some few years, we could all finish another degree. Basta as we all say, ‘Tiwala lang.’ I know we can do it because our motto is "we never stop," right? Thank you for being part of my life.”

Dagdag ni Mariel, “Mahirap pagsabayin 'yung work at saka 'yung studies pero ayaw kong i-stop either of the two kaya very overwhelming na maka-graduate ako.”   
Ibinahagi ng dalaga na susunod na layunin naman niya ay makapagtapos ng kolehiyo habang nasa showbiz at kumuha ng kursong Marketing sa La Salle College Antipolo.”       
Naikwento rin ng bagong graduate na grade five pa lamang siya ay mahilig na siya magbenta ng kung anu-ano sa mga kaklase at guro. Gusto niya din matuto siya mag-handle ng pera para kapag kumita siya ng malaki ay alam niya kung saan ilalaan na negosyo.   

Meron din siyang mensahe para sa mga taong nais niya i-inspire,“Kung ano man ang pangarap nila sa buhay, never stop believing. Just always think about that with hard work, perseverance, 'yung paniniwala mo sa sarili, faith in God [and] inspiration, soon makakamit mo din 'yung pinapangarap mo.”   

Nakapanayam din namin ang ama ni Mariel na si Daddy Juancho na nagsabing bilib at todo suporta siya sa anak na napagsabay ang trabaho’t pag-aaral.   

Aniya, “Malaking bagay 'yun. Sabi niya sa akin baka hindi siya makapag-full load sa kolehiyo pero sabi ko sa kanya tuloy lang, kahit paunti-unti basta huwag mawala ang school”.

Inilahad din ng Kapuso aktres ang plano niya ngayong summer, “Mahilig ako sa art. Ngayon mahilig ako mag-drawing [kaya] gusto ko naman matutunan ang painting. Gusto ko [din] magkaroon ng sariling band [kasi] I compose songs, but I don’t know how to play instruments.”


PS:
Credits to Ms. Bea Rodriguez and GMA Network for the article.

No comments:

Post a Comment